ASG leader at 13 niyang tauhan sumuko sa militar

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 29, 2018 - 02:32 PM

Sumuko sa Joint Task Force Basilan si Abu Sayyaf Group leader Nhurhassan Jamiri kasama ang kaniyang 13 mga tauhan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kinumpirma sa kaniya ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. commander ng Western Mindanao Command ang pagsuko ng grupo ni Jamiri.

Umaasa naman si Lorenzana na magreresulta na ito sa tuluy-tuloy nang pagkabuwag ng teroristang grupo.

Ang grupo ni Jamiri ay sumuko sa mga tauhan ng Joint Task Force Basilan na binubuo ng 3rd Scout Ranger Battalion, 8th at 9th Scout Ranger Companies, 104th Infantry Brigade, 74th Infantry Battalion, at 14LAC noong. Miyerkules ng umaga

Isinuko din nila ang 10 high-powered firearms, 40 assorted ammunition magazines, 651 na piraso ng live ammunition, MK52 fragmentation grenade, at walong bandoleers.

Kabilang sa mga matataas na kalibre ng baril na isinuko sa militar ang pitong M16 rifles, M4 carbine, M653 rifle, at M14 rifle.

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf Leader, AFP, ASG, lorenzana, Militqary\, Abu Sayyaf Leader, AFP, ASG, lorenzana, Militqary\

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.