Alert status ng Bulkang Mayon, ibinaba na sa level 2 ng PHIVOLCS

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 29, 2018 - 02:01 PM

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Bulkang Mayon sa level 2.

Sa bulletin ng PHIVOLCS na inilabas Huwebes Santo ng umaga, ibinaba na ang alert status ng bulkan dahil sa nabawasan na ang pagpapakita nito ng aktibidad.

Kabilang sa nabawasan ay ang crater glow ng bulkan at mula noong March 18 ay hindi na muling nakapagtala ng lava effusion.

“The decline in observable surface parameters is consistent with the cessation of magma supply to the shallow levels of the volcanic edifice,” ayon sa PHIVOLCS.

Kaugnay nito inatasan na ni Albay Gov. Al Francis Bichara, ang lahat ng local government sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, at Tabaco City na pauwiin na ang mga evacuees.

Mayroon pa kasing nasa 1,300 na pamilya ang nananatili sa ilang evacuation centers sa Albay.

 

 

 

TAGS: Alert Level 2, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Alert Level 2, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.