Mahigit 30,000 pasahero naitala sa mga pantalan sa bansa ngayong Huwebes Santo

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 29, 2018 - 01:25 PM

Umabot sa 34,923 na mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe ngayong Huwebes Santo sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Ayon sa datos mula sa PCG, alas 6:00 ng umaga naitala ang nasabing bilang ng outbound passengers.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog na umabot ng 10,662.

Sinundan naman ito ng Central Visayas na umabot sa 10,517.

Bumaba naman na ang bilang ng mga bumiyaheng pasahero sa iba pang mga pantalan gaya ng sa Western Visayas na nakapagtala na lang ng 3,851 na pasahero; Northern Mindanao- 3,876; Eastern Visayas – 1,467; at Southern Visayas – 3,294.

Sa ngayon ay mapayapa naman sa pangkalahatan ang sitwasyon sa mga pantalan sa bansa ayon sa coast guard.

 

 

TAGS: Holy Wednesday, Holy Week, Passengers, philippine coast guard, ports, Radyo Inquirer, Holy Wednesday, Holy Week, Passengers, philippine coast guard, ports, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.