Pag-iisyu ng Special Permit sa events ng ‘LaBoracay’ ipinatitigil ng Malay LGU
Nagpalabas na ng desisyon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na nakasasakop sa Boracay Island na nagpapatigil sa pag-iisyu ng Special Permits sa mga malalaking events sa gaganaping ‘LaBoracay’.
Ayon sa Facebook post ng LGU Malay, nagkaroon umano ng serye ng deliberasyon ang kanilang executive body at pinagbotohan ‘unanimously’ ang pagpapahinto sa pagbibigay ng Special Permits sa lahat ng events na gaganapin mula April 27 hanggang May 2, 2018 kung kailan isinasagawa ang sikat na ‘LaBoracay’.
Paliwanag ng lokal na pamahalaan ng Malay, ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa rehabilitasyon ng isla dahil ang event na ‘LaBoracay’ umano ay nagdulot ng pagtaas sa bilang ng solid at water waste sa sikat na isla.
Dagdag pa ng Malay LGU, kanilang papayagan ang mga maliliit na organized events, basta’t sumusunod ito sa mga itinatakda ng batas at mga ordinansa.
Hindi rin umano mag-iisyu ng permit ang lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga malalaking events ngayong Holy Week.
Ang ‘LaBoracay’ ay taunang event sa Boracay Island na dinadaluhan ng mga turista kasabay ng Labor Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.