Tila mapapawi na ang pangamba ng ilan sa napipintong pag-monopolize ng Grab sa transport network vehicle service (TNVS) sa bansa.
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpasok ng tatlong bagong ride-sharing platforms.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, kinukumpleto na ng transport network companies na Lag Go, Owto at Hype ang kanilang accreditation.
Tiniyak ni Lizada na magkakaroon ng kumpitensya sa ride-sharing industry.
Pinawi rin ng LTFRB ang pagkabahala na magdudulot ng mas mataas na singil ang pagsasama ng Uber at Grab. Ani Lizada, kinakailangan pa ring humingi ng permiso ng Grab sa ahensya bago magtaas ng singil nito.
Siniguro ni Lizada na magiging mahigpit ang LTFRB rito.
Inanunsyo ng Grab ang pagbili nito sa kakumpitensyang Uber sa Southeast Asia. /
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.