Ipinahayag ng DTI na nakikipag-uganayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para hindi na patawan pa ng dagdag na bayad ang consumers.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kinikilala ng kagawaran ang pagsulong ng mga kompanya sa electronic billing o paperless billing bilang pagpapahalaga sa kalikasan. Gayunman aniya, kinikilala rin nila ang karapatan ng consumers na tumanggap ng paper billing nang walang bayad.
Dagdag ng DTI, dapat tiyakin ng mga bangko, telecomuunications, insurance, at credit card companies ang karapatan sa impormasyon ng consumers, at ang karapatang mamili nang walang dagdag na bayad.