DTI: ‘Wag singilin ang consumers na nais ng paper billing
Hindi dapat sinisingil ng mga kompanya ang consumers na nais makatanggap ng paper billing statements, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ipinahayag ng DTI na nakikipag-uganayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para hindi na patawan pa ng dagdag na bayad ang consumers.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kinikilala ng kagawaran ang pagsulong ng mga kompanya sa electronic billing o paperless billing bilang pagpapahalaga sa kalikasan. Gayunman aniya, kinikilala rin nila ang karapatan ng consumers na tumanggap ng paper billing nang walang bayad.
Dagdag ng DTI, dapat tiyakin ng mga bangko, telecomuunications, insurance, at credit card companies ang karapatan sa impormasyon ng consumers, at ang karapatang mamili nang walang dagdag na bayad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.