Boracay, ‘business as usual’ pa rin pero pagkaunti mga turista, nararamdaman na

By Rohanisa Abbas March 28, 2018 - 07:00 PM

Sa pagsisimula ng holiday season, walang nakitang pagbaba sa bilang ng mga dumarating na turista sa Isla ng Boracay sa kabila ng napipintong pagpapasara rito.

Batay sa datos ng Malay municipal tourism office, mas mataas pa nga sa 375,993 kaysa 344,026 ang naitalang dami ng turistang dumating sa isla sa unang dalawang buwan ngayong taon, kung ikukumpara noong 2017.

Mula March 1 hanggang 27, umabot naman sa 140,643 ang mga turista sa Boracay. Posibleng malalampasan pa ng bilang na ito ang 167,445 na naitala noong nakaraang taon sa parehong panahon. Inaasahang dadagsa pa ang maraming turista sa tanyag na tourist destination ngayong Semana Santa.

Ayon sa source ng Inquirer.net mula sa tourism industry na tumangging siya’y pangalanan, “business as usual” pa rin sa Boracay, ngunit kapansin-pansin ang pagbaba ng mga turista para front liners, gaya ng tour coordinators at driver ng tourist vehicles.

Sinabi ng source na posibleng maranasan ang pagbaba ng bilang ng mga turista sa susunod na buwan dahil inirekomenda ng mga ahensya ng gobyerno na pansamantalang isara ang Boracay nang anim na buwan.

Nakatakdang talakayin ang planong pagpapasara sa isla para sa rehbalitisayon nito sa pagpupulong ng gabinete sa April 5.

 

TAGS: boracay, rehabilitation, temporary closure, turista, boracay, rehabilitation, temporary closure, turista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.