Tagumpay ng Administrasyong Duterte, birthday wish ni Leni kay Digong

FILE | Courtesy Leni Robredo Twitter

Nagpaabot ng pagbati sa Vice President Leni Robredo sa ika-73 taong kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, lagi niyang hiling na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang Pangulo.

Wish rin ni Robeedo na maging matagumpay ang administrasyong Duterte dahil wala naman aniyang ibang makikinabang sa tagumpay ng gobyerno kundi ang mga Pilipino.

Ngayong araw nagdiriwang ng ika-73 kaarawan ang Pangulong Duterte na kanyang piniling ipagdiwang nang simple kasama ang kanyang pamilya sa kanyang tahanan sa Davao City. /

 

Read more...