CIDG, Espinosa, Lim at iba pa, pinadadalo ng DOJ sa bagong preliminary investigation
Ipinatawag ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa para sa preliminary investigation sa susunod na buwan.
Ang summon ay inilabas ng bagong panel of prosecutors ng DOJ na magre-review sa kaso laban sa naturang drug personalities.
Kasama rin sa pinadadalo sa April 12 ang complainant na Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ibang respondents.
Batay sa subpoena, ang lahat ng panig ay obligadong magsumite ng dagdag na ebidensya bilang suporta sa kani-kanilang posisyon.
Layon ng bagong DOJ panel na magsagawa pa ng preliminary probe sa utos na rin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre alinsunod sa otoridad nito na magsagawa ng automatic review ng desisyon sa kasong may kinalaman sa droga.
Ang mga miyembro ng bagong panel ay sina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera at Prosecution Attorney Herbet Calvin Abugan.
Noong Disyembre ay ibinasura ng unang panel of prosecutors ang reklamo laban kina Lim, Espinosa at ibang akusado dahil sa kakulanga umano ng ebidensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.