Dating presidential son Mikey Arroyo, inabswelto sa tax evasion

By Rohanisa Abbas March 28, 2018 - 04:33 PM

INQUIRER FILE

Inabswelto ng Court of Tax Appeals (CTA) ang dating presidential son at dating mambabatas na si Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa umano’y underdeclaration ng kanyang kinikita at hindi umano pagbabayad ng tamang buwis nang tatlong taon.

Inakusahan ng Bureau of Internal Reveue (BIR) si Arroyo ng hindi pagdedeklara ng kanyang tamang income noong 2004, 2006 at 2007. Nagresulta ito sa kakulangan umanong magbayad ng P27.305 milyon na buwis.

Ayon sa CTA, sinabi ng complainants na isinaad ni Arroyo, at ng kanyang asawang si Angela sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ang kanilang mga ari-arian mula 2004 hanggang 2009, kabilang ang kanilang mga bahay sa Lubao, Pampanga at La Vista Subdivision sa Quezon City.

Gayunman, inakusahan ng complainants na bigo ang mag-asawa na maghain ng kanilang annual income tax, at bayaran ang tamang buwis.

Sa kabila nito, ayon sa CTA, idinepensa ni Arroyo na bigo ang BIR na patunayan ang akusasyon nito dahil hindi ito nakapagpresenta ng testigo prosekusyon sa umano’y hindi niya idineklarang taxable income.

Dagdag ng korte, napakalimitado rin ng impormasyon na pinagbasehan ng complainants sa kanilang akusasyon, gaya ng SALN at income tax returns.

Sinabi rin ng CTA na posibleng ang pagtaas ng net worth ni Arroyo ay hindi mula sa ordinary income, kundi maging sa mga regalo at donasyon.

Ayon pa sa korte, hindi batay sa “actual facts” ang kasong inihain laban kay Arroyo, kundi “mere presumption.”

Bunsod nito, kinansela ng korte ang pyansa ng dating presidential son.

TAGS: CTA, mikey arroyo, presidential son, tax evasion, CTA, mikey arroyo, presidential son, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.