Dating opisyal ng NBI na iniuugnay sa shabu lab sa Virac, sumuko

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating Acting Regional Director of NBI-Central Mindanao Regional Office na si Agusto Eric Isidoro. Ito ay makaraang maghain ng arrest warrant ang Regional Trial Court Branch 43 sa Virac, Catanduanes.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, sumuko si Isidoro sa NBI-National Capital Region (NBI-NCR) noong March 20, at isinailalim siya sa standard booking procedure.

Pansamantalang nakadetine si Isidoro sa pasilidad ng NBI habang hinihintay pa ang commitment order ng korte.

Ang dating opisyal ng NBI ay iniuugnay sa shabu laboratory na nadiskubre sa Virac, Catanduanes. Ayon sa NBI, pag-aari umano ni Isidoro ang 1,000-sqaure meter na lote sa Virac kung saan itinayo ang isang shabu lab na itinururing na pinakamalaking natuklasan sa bansa.

 

Read more...