AWOL na pulis, nagpapanggap na opisyal, arestado

By Jong Manlapaz March 28, 2018 - 01:05 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang isang AWOL na police sa isang entrapment operation ng QCPD-DSOU sa Barangay Nangka, Marikina City.

Kinilala ni NCRPO P/Dir. Oscar Albayalde at QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si P/Insp. Jay Are Olaguerra, na naka-assign sa Police Regional Office 11.

Ayon kay Albayalde, ang modus ng suspek ay magpanggap na opisyal at manghingi ng pera sa kapwa pulis.

Ang huli ay nagpanggap ito na P/Supt. Benito Ramos at nanghihingi ng P3,000 kay P/Supt. Roland Bulalacao sa pamamagitan ng smart padala.

Dito na nagkasa ng entrapment operation ang QCPD, at maghapon nola hinintay ang suspek na kumuha ng pera.

Pero ang dalawang minor na anak ng suspek ang pinakuha nito ng pera kaya sinundan na lang ng mga pulis ang anak ng suspek hanggang makauwi ito ng bahay at dun hinuli si Olaguerra.

Napag-alaman ni Eleazar na simula nang mag-graduate si Olaguerra sa PNPA noong 2007 ito na ang naging raket nito kasama ang kanyang asawa na nagpapanggap naman na misis ng opisyal ng PNP.

Ang suspek ay nahaharap kasong estafa at exploitation of minor matapos nitong gamitin ang anak na kumuha ng pera sa smart padala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AWOL police, NCRPO, PNP, QCPD, AWOL police, NCRPO, PNP, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.