Resistance coalition na ng LP mabibigo lang ayon kay Panelo

By Chona Yu March 28, 2018 - 12:58 PM

Welcome sa Malakanyang ang pagbuo ng Liberal Party ng resistance coalition sa 2019 elections.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maari namang sumubok ang LP na gumawa ng bagong koalisyon dahil malayang bansa ang Pilipinas.

Sinabi pa ni Panelo na noon pa man, palagi nang pumapalag ang Liberal Party sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak pa ni Panelo na mabibigo lamang ang LP at wala namang masama kung uulitin nila ang kanilang kabiguan.

Una rito, sinabi ni LP president, Senator Francis Pangilinan na bubuuo ang LP ng resistance coalition na magsisilbing totoong oposisyon sa susunod na eleksyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: liberal party, Malakanyang, Radyo Inquirer, resistance coalition, liberal party, Malakanyang, Radyo Inquirer, resistance coalition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.