7 sugatan sa aksidente sa Tagaytay

Sugatan ang pitong katao sa aksidenteng naganap sa Barangay Niyuhan at Tagaytay City.

Naganap ang aksidente sa pagitan ng isang bus at jeep pasado alas 10:00 ng umaga kanina, Miyerkules Santo.

Ayon kay Jose Yayong ng Tagaytay Disaster Risk Reduction and Management Office, pawang minor injuries lamang naman ang natamo ng mga biktima.

Ang mga nasugatan ay pawang pasahero ng jeep.

Isinugod sila sa Ospital ng Tagaytay at doon nilapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...