Day 1 ng system maintenance sa MRT-3 puspusan na
Sa unang araw pa lamang ng limang araw na system maintenance sa MRT-3 puspusan na ang pagkukumpuni na ginagawa ng mga tauhan ng MRT.
Sa update ng Department of Transportation (DOTr), kabilang sa mga inaayos ang depot ng MRT-3 ang mga bagon ng tren.
Pinangunahan naman ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati ang inspeksyon sa riles ng tren na sasailalim din sa maintenance works.
Kasama din sa nasabing inspeksyon ang mga kinatawan mula sa Australian Agency for International Development-Asian Development Bank (Aus-AID-ADB) joint advisory panel.
Ngayong araw na ito sinabi ng DOTr na umabot na sa 41 bagon ang serviceable o maayos na gumagana at mapapaandar sa sandaling magbalik ang operasyon ng MRT-3 sa Lunes, April 2.
Nangangahulugan ito na apat na bagon na lamang ang kakailanganing isaayos para maabot ng MRT-3 ang target na makapag-deploy ng 15 tren kapag rish hour pagkatapos ng Holy Week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.