Ilang mambabatas may birthday wish din kay Pangulong Duterte

May birthday wish din kay Pangulong Rodrigo Duterte si Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kaniyang mensahe, tinawag ng dating pangulo na “exemplary leader” si Duterte.

Pinasalamatan nito ang pamumuno at pagseserbisyo ni Duterte sa sambayanan.

Gayundin ang matagal na nilang pagiging magkaibigan.

Wish ni CGMA para kay Duterte ang maayos na kalusugan upang maipagpatuloy pa nito ang mag programa para sa tunay na pagbabago sa bansa.

Tiniyak din ni CGMA ang suporta niya sa pangulo.

Si Akbayan Rep. Tom Villarin naman sinabing ang wish niya para kay Pangulong Duterte ay ang maiwasan na nito ang mga pagbanat at pagyayabang.

Aniya, hiling niyang magkaroon ng kapayapaan sa puso ng pangulo.

Wish din ni Villarin na humaba pa ang buhay ni Duterte para mapanagutan niya ang kaniyang mga nagawa at hindi nagawa sa panahon ng pamumuno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...