Mabuting kalusugan at matagumpay na pamumuno, birthday wish ng ilang opisyal para kay Pangulong Duterte

By Mark Makalalad March 28, 2018 - 11:26 AM

Mabuting kalusugan at matagumpay na pamumuno.

Ito ang hiling ng ilang matatas na opisyal sa pagdiriwang ng ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dalangin nya na mas lumakas pa ang ‘stamina’ ng pangulo nang sa gayon ay mas makapaglingkod pa ito at mas maging epektibo sa paninilbihan sa bansa.

Kapareho rin ang birthday wish para sa kanya ni Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año.

Ayon kay Año, nais nya na maging masaya ang pangulo at nawa ay biyayaan ito ng kapayapaan ng Panginoon sa kanyang pamumuno.

Samantala, nangako naman ng kanyang ‘commitment’ si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa pangulo.

Ani Bato, hindi iiwan ng PNP ang pangulo. Hindi rin daw sila mapapagod sa pagkayod hangga’t hindi nagiging ‘drug-free’ ang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Delfin Lorenzana, eduardo año, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, Delfin Lorenzana, eduardo año, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.