Halos P280M pondo inihanda ng DSWD sakaling may kailangang tugunan ngayong Semana Santa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 28, 2018 - 10:53 AM

DSWD Photo

Sakaling magkaroon man ng hindi inaasahang kalamidad ngayong Holy Week naghanda ng standby funds ang Department of Social Welfare and Developmnent.

Ayon sa DSWD, mayroon silang mahigit P279 million na standby funds na bahagi ng kanilang preparedness for response sa paggunita ng Semana Santa.

Sa nasabing halaga, nasa mahigit P234 million ang nakahandang Quick Response Fund.

Para naman sa stockpiles ng DSWD, mayroong mahigit P136 million na halaga ng family food packs ang nakahanda.

Habang nasa P490 million na halaga ng food at non-food items din ang inihanda ng ahensya.

Ayon sa DSWD, bagaman walang bagyo sa bansa at inaashaan nila na magiging ligtas sa anumang kalamidad ang paggunita sa Semana Santa ng publiko ay minabuti ng ahensya na ihanda ang pondo at mga food packs upang mabilis na maipamahagi kung kakailanganin.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: disaster preparedness, dswd, standby funds, disaster preparedness, dswd, standby funds

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.