Mga personalidad na nag-aambag sa human rights group, bubusisiin na rin ng PDEA at PNP
Bagama’t wala pang hawak na ebidensya ang kanilang hanay na magpapatunay ginagamit na ng mga drug lord ang mag human rights group para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, inuumpisahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) pagbusisi sa mga personalidad na maaaring may kaugnayan sa mga human rights group.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Spokesman Derrick Carreon, tinitingnan na ng kanilang hanay ang ilang personalidad na maaaring nagbibigay ng donasyon sa human rights group.
Ayon kay Carreon, kailangan ng magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang kanilang hanay.
Hindi maikakaila ayon kay Carreon na maaaring ginagamit ng mga drug lord ang human rights group para pabagsakin ang administrasyong Duterte dahil sa kampanya kontra sa iligal na droga.
Ayon kay Carreon kung pagbabatayan kasi ang trend ng mga pag-atake ng human rights group sa anti-drug war ng pangulo posibleng ginagamit ito ng mga drug lord ng hindi nila nalalaman.
Sinabi rin ni PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, wala ring hawak na data o ebidensya ang kanilang hanay pero ito ay kanilang iniimbestigahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.