Opensiba ng PNP vs NPA, tuloy ngayong Semana Santa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 28, 2018 - 09:10 AM

Tuloy ang opensiba ng Philippine National Police (PNP) laban sa New People’s Army (NPA) kahit ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PNP spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, kahit sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria ay tuloy ang opensiba ng PNP sa mga rebelde.

Ito ay dahil inaasahan ng PNP ang pag-atake na gagawin ng NPA dahil bukas ay ipagdiriwang nila ang kanilang ika-50 anibersaryo.

Ayon kay kay Bulalacao sa datos ng PNP, taun-taon ginagawa ng NPA ang mga pag-atake bago at pagkatapos ng kanilang anibersaryo.

Kaya naman kahit Semana Santa at sa kabuuan ng summer season ay itutuloy ang opensiba laban sa NPA. Naka-alerto din ang lahat ng pwersa ng PNP sa buong bansa upang masigurong payapa ang magiging paggunita sa Holy Week at ligtas ang mga magbabakasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: new people's army, NPA, offensive attacks, PNP, Radyo Inquirer, new people's army, NPA, offensive attacks, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.