Maraming barangay sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque maaapektuhan ng water interruption mula ngayon hanggan Sabado

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 28, 2018 - 08:00 AM

Mayroong tatlong araw na plant cleaning activity ang Maynilad sa kanilang Putatan Water Treatment Plant na magreresulta sa pagkawala ng suplay ng tubig sa maraming mga barangay sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Cavite mula ngayong araw hanggang sa Sabado.

Sa schedule na inilabas ng Maynilad kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar:

 

Sa BACOOR

  • Molino III
  • Molino IV
  • Molino VII
  • Queens Row Central
  • Queens Row East
  • Queens Row West
  • San Nicolas III

 

Sa IMUS

  • Anabu I-C to I-F
  • Anabu II-A to II-F
  • Malagasang I-D to I-G
  • Malagasang II-A to II-E, II G
  • Pasong Buaya II

 

Sa LAS PINAS

  • Almanza Uno
  • Almanza Dos
  • Pilar
  • Talon Uno, Tres, Kuatro at Singko

 

Sa MUNTINLUPA

  • Alabang
  • Ayala Alabang
  • Bayanan
  • Cupang
  • PoblacioN
  • Putatan
  • Sucat
  • Tunasan

 

Sa PARANAQUE

  • BF Homes

 

May kani-kanilang oras ng pagkawala ng suplay ng tubig sa nabanggit na mga barangay at ang schedule ay makikita sa Facebook page ng Maynilad.

Ayon sa Maynilad, posibleng magkaroon pa ng delay sa pagbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit ng tubig.

Tiniyak naman ng Maynilad na mayroong water tankers nan aka stand-by para mag-deliver ng tubig sa mga apektadong lugar.

 

 

 

 

 

TAGS: Bacoor, imus, las pinas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque, Bacoor, imus, las pinas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.