Veteran singer na si Bert Nievera pumanaw na

By Justinne Punsalang March 28, 2018 - 07:12 AM

Namayapa na sa edad na 81 ang beteranong singer at ama ni Martin Nievera na si Roberto Jose na mas kilala sa pangalang Bert Nievera.

Mismong si Martin ang nagkumpirma ng pagpanaw ng kanyang ama matapos nitong mag-post ng kanilang lumang litrato sa kanyang Instagram account.

Sa caption ng post ay ginamit ni Martin ang #RobertinParadise at sinabing hindi ito makapaniwala na wala na ang ama.

Ani Martin, magbabago na ang lahat ngayong sumakabilang buhay na ito.

Nag-post din si Martin sa kaniyang Instagram ng larawan niya at dalawa niyang anak na kasama ang kaniyang ama.

Maging ang dating asawa ni Martin na si Pops Fernandez ay nagbahagi ng kanyang mensahe para sa kay Bert na itinuturing niya bilang kanyang ikalawang ama.

Wala namang inilalabas na karagdagang detalye ang pamilya Nievera tungkol sa kung kailan at paano namatay ang kanilang padre de pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bert NIevera, Martin Nievera, music industry, Radyo Inquirer, Bert NIevera, Martin Nievera, music industry, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.