5 araw na system maintenance sa MRT-3, simula na ngayong araw; wala munang biyahe hanggang Linggo

By Rhommel Balasbas March 28, 2018 - 06:55 AM

Nagsimula na ngayong araw ang tigil-operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) upang bigyang daan ang kanilang system maintenance.

Sa holy week schedule na inilabas ng MRT 3, manananatili itong nakasara hanggang April 1, Easter Sunday.

Magbabalik ang normal na operasyon ng linya ng tren sa Lunes, April 2.

Samantala, simula naman bukas, Huwebes Santo ay tigil-operasyon na rin ang LRT 1 and 2 at Philippine National Railways para na rin sa kanilang system maintenance.

Mauunang magbabalik ang normal na operasyon ng PNR sa Easter Sunday, April 1 maliban sa Bicol Commuter Train nito na sa April 2 pa magbabalik.

Habang ang LRT 1 at 2 naman ay kasabay na magbabalik operasyon ng MRT 3 sa Lunes, April 2.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Holy Week Schedule, Metro Rail Transit, MRT 3, Holy Week Schedule, Metro Rail Transit, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.