PNP, LGUs, pinaghanda ng DILG sa posibleng pag-atake ng NPA kasabay ng kanilang anibersaryo

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 28, 2018 - 06:37 AM

Handa ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA) kaugnay sa pagdiriwang nila ng ika-50 founding anniversary bukas, Huwebes Santo.

Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, inalerto ng ahensya ang PNP at ng mga lokal na pamahaalan hinggil dito.

Sinabi ni Año na kadalasang naglulunsad ng mga bayolenteng pag-atake ang NPA kapag nagdiriwang ng anibersaryo.

Tiniyak naman ni Año na sapat ang bilang ng mga pulis na ipinakalat sa buong bansa para magtiyak sa kaligtasan ng mga bibiyaheng publiko ngayong Semana Santao.

Aniya mayroong 27,000 na mga pulis ang naka-deploy sa buong bansa at nakipag-ugnayan na rin ang DILG sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hiniling din ng DILG sa publiko na agad mag-report sa mga otoridad kapag may kahina-hinalang kilos o bagay na mapapansin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CPP, DILG, LGU, ndfp, NPA, PNP, Radyo Inquirer, CPP, DILG, LGU, ndfp, NPA, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.