International arrivals tumaas ng 8.62 percent sa pagsisimula ng Holy Week
Tumaas sa 8.62 percent ang international arrivals sa pagsisimula ng Holy Week ngayong taon batay sa datos ng Manila International Airport Authority.
Ikinumpara ng MIAA ang kanilang datos noong April 6-10, 2017 sa datos mula March 22-26 ngayong taon.
Gayunman, bumaba naman ng 3.9 percent ang international departures ngayong taon. Naitala lamang ang 170,010 international departures sa NAIA kumpara sa 176,992 noong nakaraang taon.
Samantala, ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines, inaasahan nila ang 8 percent na pagtaas sa bilang ng mga pasahero sa kabuuan ng Holy Week.
Sa datos ng CAAP noong Semanta Santa 2017, naitala ang anim na milyong domestic and international passengers at higit kalahati dito ay sa Ninoy Aquino International Airport.
Nagdeploy na ng karagdagang personnel ang CAAP para tiyakin ang seguridad sa mga paliparan bunsod ng inaasahang passenger influx.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.