Consular offices ng DFA sarado ngayong araw

Sarado simula alas dose ng tanghali ngayong Miyerkules santo ang mga consular offices ng Department of Foreign Affairs pati ang Aseana office nito sa Parañaque City.

Sa kanilang advisory ay sinabi ng DFA na ang mga confirmed passport appointments sa hapon ng March 28 ay i-aaccommodate anumang araw matapos ang Holy Week holidays hanggang April 14, 2018 sa kanilang original site na hindi na kailangan ng bagong appointment.

Pinayuhan ang mga aplikante na magdala ng printout ng kanilang confirmed passport appointment kasama ang ibang requirements sa kanilang passport application.

Ang half-day work sa DFA consular offices ay alinsunod na rin sa Memorandum Circular no. 43 na inilabas ng Office of the President ng Martes Santo.

Read more...