MMDA: Number coding ipatutupad bukas pagkatapos ng rush hours
May paglilinaw ang Metro Manila Development Authority sa suspensyon ng number coding bukas, March 28, 2018.
Ayon sa inilabas na memorandum ng MMDA na pirmado ni Chairman Danilo Lim, alas-diyes pa ng umaga magiging epektibo ang suspensyon ng number coding, matapos ang rush hour.
Paglilinaw ni Lim, ang mga coding bukas ay maaring hulihin hangga’t hindi pa iniaalis ang suspension order.
Dagdag pa ni Lim, ang mga public utility vehicles tulad ng mga city bus at provincial buses ay exempted rin sa number coding bukas at sa Lunes, April 2, upang bigyang-daan ang pag-uwi at pagbabalik ng mga pasahero ngayong Holy Week.
Dagdag pa ng MMDA, mahigpit pa ring ipatutupad ang yellow lane sa mga pangunahing lansangan kahit pa pansamantalang inalis ang number coding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.