Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na hahalungkatin ng kanilang hanay ang posibilidad ng ugnayan ng human rights group at drug lords dahil sa mistulang nagkakaroon ng sistema sa pag-atake sa anti-drug war campaign ng pangulo.
Hindi maikakaila ayon kay Carreon na sinasakyan ng mga kalaban ng estado ang ilang mga isyu para atakihin ang mga programa ng gobyerno.
Sinabi naman ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na nagsasagawa na rin sila ng validation kaugnay sa naturang ulat.
Una dito, sinabi nina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na maaring ginagamit ng mga drug lords ang mga human rights group para sa destabilization efforts laban sa pamahalaan.