Sabwatan ng ilang drug lords at human rights group iniimbestigahan na

By Chona Yu March 27, 2018 - 07:06 PM

Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Philippine National Police ang ulat na maaring ginagamit na ng mga drug lord ang mga non- government organizations at human rights group para idiskaril ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na hahalungkatin ng kanilang hanay ang posibilidad ng ugnayan ng human rights group at drug lords dahil sa mistulang nagkakaroon ng sistema sa pag-atake sa anti-drug war campaign ng pangulo.

Hindi maikakaila ayon kay Carreon na sinasakyan ng mga kalaban ng estado ang ilang mga isyu para atakihin ang mga programa ng gobyerno.

Sinabi naman ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na nagsasagawa na rin sila ng validation kaugnay sa naturang ulat.

Una dito, sinabi nina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na maaring ginagamit ng mga drug lords ang mga human rights group para sa destabilization efforts laban sa pamahalaan.

TAGS: destabilisasyon, duterte, Illegal Drugs, PDEA, PNP, destabilisasyon, duterte, Illegal Drugs, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.