Inakusahan ni Solicitor General Jose C. Calida si Supreme Court Chief Justice on-leave Ma. Lourdes Sereno ng lantarang panloloko sa Judicial and Bar Council (JBC).
Bahagi ito ng sagot ng SolGen sa naging komento ni Sereno sa isinampa ni Calida na quo warranto petition sa Korte Suprema.
Ang patuloy aniya na kabiguan ni Sereno na pagsusumite ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) at pagsisinungaling sa JBC ay pagpapakita ng pagmamatigas nito sa batas kawalan nito ng integridad.
Malaking panloloko aniya ang paliwanag ni Sereno sa JBC na kaya hindi siya nakapag-file ng SALN ay dahil hindi na niya ito mahanap.
Ang malinaw ayon kay Calida ay ang kabiguan ng Punong Mahistrado na magsumite ng SALN mula 1986 hanggang 2006.
Ibinunyag din ni Calida na bukod sa marami sa mga isinumite nitong SALN ay late nai-file, ilan sa SALN nito ay walang stamp of receipt at hindi pa naka-notaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.