Mga colorum na bus diretso sa impounding area ayon sa PNP-HPG

Inquirer file photo

Aabot sa mahigit tatlumpung bus sa Metro Manila ang na-impound ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao ito ay mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na magkaroon ng crackdown sa mga colorum na bus matapos bisitahin ang mga nasawi sa nahulog na Dimple Bus Star sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Bulalacao, ilang bus na rin ang naimpound sa iba’t ibang probinsya.

Dagdag pa ng opisyal, “Yes, patuloy naman na ginagampanan ng Highway Patrol ang kanilang tungkulin lalung-lalo na doon sa kautusan ng ating Presidente na i-address iyong colorum”.

Patuloy aniyang tinutupad ng HPG ang utos ng pangulo na alisin sa lansangan ang mga colorum na bus.

Bukod sa HPG, tumutulong rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan laban sa mga colorum vehicles tulad ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read more...