Preso patay sa jailbreak sa Digos City Jail

By Rohanisa Abbas March 27, 2018 - 03:47 PM

Patay ang isang preso sa Digos District Jail habang muli namang naaresto ang isa pa matapos pumuga.

Ayon kay Supt. Deozar Almasa, hepe ng Digos City Police, naganap ang jailbreak kaninang tanghali.

Nakilala ang napatay na preso sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na si na si Bakotal Tiwan na nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay Almasa, ang kasamahan naman ni Tiwan na si Mitoy Digan ay sugatan matapos mabaril sa paa.

Si Digan na nahaharap sa kasong homicide ay hawak na ng mga otoridad.

Ayon sa BJMP, iniimbestigahan na nila kung paano tumakas ang dalawang preso sa tanghali gayong dapat ay bantay-sarado ang pasilidad.

TAGS: BJMP, digan, digos city jail, PNP, BJMP, digan, digos city jail, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.