Duterte tulog at pahinga lang ang gagawin sa kanyang kaarawan bukas

By Chona Yu March 27, 2018 - 03:11 PM

Inquirer file photo

Tulog at pahinga lamang ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-pitumpu’t tatlong kaarawan bukas.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, walang magarbong party na gagawin ang pangulo.

Mananatili lamang aniya ang pangulo sa Davao City bukas.

Ayon kay Go, tanging ang kanyang pamilya at mga apo lamang ang makakasama ng pangulo sa kanyang birthday.

Hindi kasi aniya naging ugali ng pangulo ang magdaos ng bonggang party.

Wish naman ni Go sa pangulo ay magkaroon pa ng mas mahabang buhay at malusog na pangangatawan para maipagpatuloy pa nito ang paninilbihan sa bayan.

TAGS: 73rd bithday, bong go, Davao City, duterte, 73rd bithday, bong go, Davao City, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.