Higit 500 empleyado ng Uber, handang bigyan ng trabaho ng Grab
Ia-absorb ng transport network company (TNC) na Grab ang mga empleyado ng Uber na posibleng mawalan ng trabaho.
Ipinahayag ng Grab na handa silang bigyan ng trabaho ang higit 500 empleyado ng Uber.
Nais makausap ng Grab ang mga empleyadong ito para malaman kung saan sila ilulugar sa kompanya.
Sa ngayon, nasa paid leave ang lahat ng mga empleyado ng Uber, ayon sa Grab.
Binibili ng Grab ang kakumpitensya nitong Uber sa Southeast Asia.
Magkakaroon ng dalawang linggong transition period ang Grab para makalipat ang Uber drivers sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.