Grupo ng mga manggagawa, nagsagawa ng ‘Pasyon 2018’ sa Mendiola
Gumawa ng sariling bersyon ng Pasyon ang grupo ng mga manggagawa sa Mendiola, Maynila.
Bitbit ang kani-kanilang mga krus na may nakalagay na ‘Train Law, Extra-Judicial Killings, Cha-Cha at Federalismo’, nagsagawa ng mapayapang kilos-protesta ang nasa mahigit-kumulang 500 mga manggagawa.
Ang Freedom from Debt Coalition, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Sustainability and Participation Through Education and Lifelong Learning at In Defense of Human Rights and Dignity Movement ay nagsama-sama upang sa manawagan ng pagbabago sa pamahalaan.
Sinamahan din sila ni Father Robert Reyes ng Diocese of Cubao na nanguna sa panalangin at nagbasbas sa mga dumalo.
Sigaw ng grupo, pasakit na ang inaabot ng mga Pilipino sa ngayon partikular na ang mga maralita.
Partikular na daing nila ang mga posibleng mawalan ng trabaho dahil sa kontrakwalisasyon at tumataas na presyo ng bilihin dahil sa TRAIN law.
Ipinunto rin nila ang kakulangan sa social services at proteksyon sa mga mamamayan gayundin ang pagbabalik ng Oplan Tokhang.
Samantala, bahagya namang nagdulot ng abala sa trapiko sa Mendiola ang programa ng grupo na tumagal ng ilang oras.
Narito ang ilan pang kuha ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.