Marikina City Jail, inispeksyon ng BJMP

By Jong Manlapaz March 27, 2018 - 11:40 AM

Personal na binisita ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Deogracias Tapayan ang Marikina City Jail Female Dormitory sa Marikina City kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

Inalam din ng opisyal ng BJMP chief ang kalagayan ng may 166 female inmates sa kani-kanilang bilangguan lalo na’t unti-unting umiinit ang panahon.

Nagsagawa rin ang BJMP ng medical mission kasama ang mga doktor sa mga inmates para matiyak na nasa maayos ang kalusugan ng mga detainees sa piitan.

Nagbigay din ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan ang mga inmates na angkop sa pasilidad tulad ng mga sinulid, yarn at karayum na magagamit sa pananahi habang nasa loob ng bilangguan.

Una nang nagsagawa ng serye ng inspeksyon sa iba’t ibang jail facilities sa bansa si Tapayan at sInigurong nasusunod ang kanyang direktiba lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.

Bago nilisan ng BJMP officials ang Marikina City Jail, binigyan muna ng almusal ang mga inmates.

TAGS: BJMP, Marikina City Jail, medical mission, BJMP, Marikina City Jail, medical mission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.