Malakanyang nagdeklara ng half day sa mga tanggapan ng gobyerno bukas

By Chona Yu March 27, 2018 - 11:17 AM

Nagdeklara na ng half day work ang Malakanyang sa mga tanggapan ng gobyerno bukas, Miyerkules Santo.

Sa Memorandum Circular number 43, hanggang alas 12:00 ng tanghali lang ang pasok bukas sa lahat ng government offices.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Assistant Sec. Ana Marie Banaag, sakop ng half day work declaration ang mga GOCCs at mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Ibig sabihin, pagsapit ng alas 12:00 ng tanghali bukas ay maari nang umuwi ang mga tauhan ng gobyerno.

Layunin nitong mabigyan sila ng pagkakataon na makabiyahe ng maaga pauwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa.

Maging ang klase sa lahat ng public shools bukas, state universities at colleges ay half day na lang din ayon sa Malakanyang.

Pinatitiyak naman ng Malakanyang na handa pa ring magbigay ng serbisyo kung kakailanganin ang lahat ng departamento o ahensya na may kinalaman sa disaster response.

 

 

 

TAGS: government work, half day, Holy Wednesday, government work, half day, Holy Wednesday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.