3 patay, 15 sugatan sa aksidente sa Nueva Ecija

By Rohanisa Abbas March 27, 2018 - 10:44 AM

Patay ang tatlo katao habang sugatan ang 15 iba pa nang bumaligtad ang isang trak sa General Tinio, Nueva Ecija.

Naganap ang aksidente sa Sitio Cunacon sa Barangay Pias kaninang alas-8:30 ng umaga.

Papunta sana sa Sitio Lipa ang mga biktima para sa pasyon nang maganap ang aksidente.

Sumuko sa pulisya ang driver ng trak na si Joel Francia. Aniya, nasa pataas na bahagi ng kalsada ang trak nang kumambyo siya. Dito na bumaligtad ang trak.

Ayon kay Senior Inspector Adrian Gabriel Jr., hepe ng pulisya ng General Tinio, nakilala ang mga nasawi na sina Mercedita Bote, 42 taong gulang, Ramon Esquievel Reyes, 80 taong gulang, at isang apat na taong gulang na babae.

Ang mga biktima at residente ng Barangay Pias.

 

 

 

TAGS: accident, nueva ecija, Radyo Inquirer, sitio lipa, accident, nueva ecija, Radyo Inquirer, sitio lipa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.