Patay ang apat katao habang sugatan namang ang pitong iba pa sa aksidente sa Tarlac-Pangasinan Expressway sa Ramos, Tarlac.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng isang Toyota Innova dahilan para bumangga sa isang steel barrier.
Nagpaikot-ikot ito at bumangga pa sa isang Mitsubishi Montero.
Nakilala ang mga nasawi na sina Ayana Ranya Enrique, Cindy Enrique, Eugenio Roque, at Herminigildo Roque.
Sa pitong sugatan, dalawa rito ang sakay ng Innova habang ang lima ay sakay ng Montero.
Patuloy na ginagamot ang mga biktima ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.