Bagyong Caloy nasa loob na ng bansa sa Huwebes o Biyernes pa lalabas ng PAR

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 27, 2018 - 09:30 AM

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Jelawat.

Pinangalanan itong ‘Caloy’ na ikatlong bagyong pumasok sa bansa ngayong 2018.

Ayon sa PAGASA, nasa tropical storm category pa rin ang bagyo at may taglay na lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,025 kilometers east ng Surigao City sa Surigao del Sur.

Hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan at sa halip ay liliko paakyat.

Sa Huwebes o sa Biyernes pa lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jelawat, Pagasa, Radyo Inquirer, surigao city, Tropical Storm Caloy, weather, Jelawat, Pagasa, Radyo Inquirer, surigao city, Tropical Storm Caloy, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.