Natitirang 20 containers na nawawala sa Port of Manila, patuloy na iniimbestigahan

By Mark Makalalad March 27, 2018 - 09:17 AM

Nangako si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na papanagutin ang mga opisyal na sangkot sa pagpuslit ng mga container van sa Port of Manila.

Ayon kay Lapeña, determinado sya na matukoy ang mga sindikato sa likod nito at kung sinu-sinong mga tao mula sa BOC at Asian Terminal Inc. ang nagsabwatan para sa pagtakas ng mga kagamitan.

Pahayag pa ng opisyal, may kutob sya na hindi ito ang unang pagkakataon at posibleng dati nang nagkakaroon ng pagpuspulit ng mga container.

Kahapon, personal na ipinakita ni Lapeña ang nasa 80 hanggang 100 container ng crate ng tiles na narekober mula sa dalawang warehouse sa Meycauayan, Bulacan.

Bahagi ito ng 103 na container ng tiles galing sa China na “misteryosong” nawala mula sa ATI sa kabila ng alert order mula sa BOC noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, binawi na ng BOC ang lisensiya ng 10 importers at tatlong Customs brokers na sangkot sa kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Customs, isidro lapena, Radyo Inquirer, Bureau of Customs, isidro lapena, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.