Biyahe ng MRT muling nagka-aberya; 800 pasahero ang pinababa sa Cubao
Matapos ang dalawang aberya na naitala kahapon, Lunes Santo, tuloy ang kalbaryo ng mga pasahero ng MRT-3.
Ito ay makaraang makapagtala ng aberya ang isa nitong tren sa pagsisimula pa lamang ng biyahe alas 5:30 ng umaga ngayong Martes Santo.
Aabot sa 800 na pasahero ang pinababa sa Cubao Station southbound dahil nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren.
Mula naman sa 12 tren na napabiyahe sa pagbubukas ng operasyon ng MRT kahapon, balik sa 9 ang bilang ng mga tren ngayong Martes ng umaga.
Ayon sa pamunuan ng MRT, alas 6:00 ng umaga ay 9 na tren lamang ang running o operational.
Samantala, mula bukas, Miyerkules Santo ay wala nang biyahe ang MRT hanggang sa Linggo para mabigyang-daan ang kanilang maintenance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.