Mahigit 1,000 pulis, na-promote

By Kathleen Betina Aenlle October 07, 2015 - 04:10 AM

PNP promotion
Contributed Photo/Roselyn Saludes

Nakatanggap ng promotion ang mahigit sa 1,000 pulis sa seremonyang naganap sa headqurters ng National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa kahapon.

Kabilang sa mga na-promote na police non-commissioned officers ay 244 na Police Officers 2 (PO2), 214 na Police Officers 3 (PO3), 68 na Police Officers 1 (PO1), 440 na Senior Police Officers 2 (SPO2), 25 na Senior Police Officers 3 (SPO3) at 210 na Senior Police Officers 4 (SPO4).

Hinikayat ni NCRPO chief Joel Pagdilao ang mga bagong promote na pulis na pangatawanan ang kahulugan ng “P.O.L.I.C.E.” na “protectors of the people, open to the public, law abiders, with integrity and competence, and always performing their tasks with excellence.”

Pinaalalahanan niya rin ang mga ito na anumang ranggo o posisyon, malaki ang maiaambag nila sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon na mamayagpag ang kapayapaan.

Pinarangalan rin ni Pagdilao ng Medalya ng Kagitingan ang ilang pulis sa Masambong Police Station ng Quezon City Police District at Jose Abad Santos station ng Manila Police District.

Ayon sa pahayag, ito ay dahil sa pagsusumikap ng mga tauhan sa ilalim ng warrant and subpoena section na pinamumunuan ni Supt. Christian dela Cruz na nagbunsod sa pagka-aresto ni Christian Cabagan Telin na responsable sa serye ng mga robbery-holdup.

Dagdag pa rito, kamakailan lang ay na-aresto ng mga operatiba ng Jose Abad Santos station si Ronald Batic Salvador na pangalawa sa most wanted ng istasyon dahil sa mga kasong robbery at illegal possession of firearms.

Pinuri sila ni Pagdilao kasabay ng hiling na ipagpatuloy ang magandang gawain at maging inspirasyon sa kanilang mga kasamahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.