Tropical Storm Jelawat, papasok sa bansa ngayong umaga
Nakatakdang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Jelawat ngayong umaga.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 1,005 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong north west.
Ayon kay PAGASA weather spelicialist Shelly Ignacio, hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at aakyat ito patungo ng Japan.
Samantala umiiral pa rin ang Northeast Monsoon sa buong Luzon at maghahatid ito ng pag-ulan sa Bicol Region, Quezon Province, Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.