Oil price hike ipapatupad ngayon araw

Epektibo ngayong araw ang dagdag-singil sa halaga ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga oil companies.

Sa abisong inilabas ng Pilipinas Shell, Flying V, PTT, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, at SeaOil, simula alas-6 ng umaga mamaya ay ipapatupad na nila ang oil price hike.

Madaragdagan ng P1.15 ang halaga ng gasolina, habang P1.10 naman ang itataas sa presyo ng diesel. Magkakaroon rin ng paggalaw sa halaga ng kerosene na nasa P1.00.

Ayon sa Department of Energy (DOE) dahil pa rin sa malikot na galaw ng mga produktong petrolyo sa world market ang panibagong oil price hike.

Read more...