Ex-DOH Sec. Ubial, damay sa Dengvaxia controversy

By Justinne Punsalang March 27, 2018 - 04:34 AM

Posible ring makasuhan kaugnay sa Dengvaxia controversy ang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na si Paulyn Ubial.

Ito ay matapos ipagpatuloy ni Ubial ang sinimulang anti-dengue vaccination program ni dating DOH Secretary Janette Garin.

Sa pagtatapos ng joint probe ng Senate Blue Ribbon committee at Committee on Health, sinabi ni Senador Richard Gordon na irerekumenda ng Senate Blue Ribbon Committe na kasuhan na sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Garin, maging si Ubial, at marami pang ibang mga opisyal.

Matatandaang una nang kinwestyon ng mga senador si Ubial kung bakit ipinagpatuloy pa nito ang Dengvaxia program, gayung may mga agam-agam na siya tungkol sa nasabing bakuna.

Bilang sagot, sinabi ni Ubial na na-pressure lamang siya na ituloy ang programa.

TAGS: Dengvaxia, Paulyn Ubial, Dengvaxia, Paulyn Ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.