(UPDATE) Dalawa patay, matapos maaksidente sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 27, 2018 - 03:21 AM

Kapwa patay ang riderat angkas nito matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang backhoe sa Fairlane, Barangay Fairview, Quezon City.

Kinilala ang isa sa mga namatay na lalaki na si Danilo Labrice.

Ayon sa mga otoridad, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad nang mapansing kapwa walang helmet ang dalawang lalaki habang magka-angkas sa isang motorsiklo.

Lalapitan dapat ito ng mga otoridad upang sitahin dahil sa kawalan ng helmet.

Ngunit nang tila mapansin ang mga ito ay lalo pang humarurot ng paandar ng motor ang driver.

Sa sobrang bilis ng takbo ng motorsiklo ay hindi na nakapagpreno pa ang driver, dahilan upang sumalpok sa isang backhoe.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang isa sa mga biktima.

TAGS: aksidente, motor, aksidente, motor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.