BSP magpapalabas ng mga bagong barya

By Justinne Punsalang March 27, 2018 - 03:16 AM

Courtesy of BSP

Mayroong bagong mukhang makikita sa ilan sa mga bagong baryang ilalabas ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa pahayag ng BSP, nagsisimula na ang sirkulasyon sa bansa ng buong serye ng New Generation Currency (NGC) coins. Mayroon itong bagong disenyo at gawa ang mga barya sa nickel-lated steel.

Sa isang bahagi ng barya ay makikita ang ilang mga Philippine endemic na specie ng mga bulaklak, kasama ang bagong logo ng BSP.

Sa kabilang bahagi naman ay matatagpuan ang mga mukha ng mga bayani ng Pilipinas. Sa piso, mananatiling ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang naka-engrave dito. Habang si Andres Bonifacio naman ang nasa P5, at Apolinario Mabini sa P10.

Stylized na bandila ng Pilipinas naman ang makikita sa 25, 5, at 1 sentimong barya.

Paliwanag ng BSP, pinalitan nila ang materyal sa mga barya upang hindi na ito mabilis kalawangin o mangitim.

Ayon pa sa ahensya, sa pamamagitan ng karagdagang security features ng NGC coin series ay hindi na madaling magagaya ang mga barya sa pamamagitan ng tradisyunal na proseso ng counterfeiting.

Sa ngayon ay maaari pa ring gamitin ang mga lumang disenyo ng mga barya, kasabay ng sirkulasyon ng NGC coins.

TAGS: barya, BSP, barya, BSP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.