Holdaper,patay matapos barilin ng security guard sa Quezon City
Dead on the spot ang isang lalaking sinasabing holdaper matapos itong barilin ng isang security guard sa panulukan ng Matalino Street at Kalayaan Avenue sa Quezon City.
Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking nakasuot ng maong na pantalon at puting t-shirt.
Ayon sa nakabaril na security guard na si Genel Jandoni, napansin niya ang isang duguan driver na humihingi ng tulong matapos umano itong mabiktima ng holdup.
Kaya naman agad niyang hinabol ang sinasabing holdupper.
Paliwanag pa ni Jandoni, nakita niyang mayroong dalang baril ang lalaki. Kaya naman bago pa siya nito barilin ay inunahan na niya ito ng putok.
Narekober mula sa suspek ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, maging ang pagkakakilanlan ng napatay na lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.